Abante Tonite Interactive

Senador nanggapang para lumabas sa TV

492

Masama raw ang loob ng isang miyembro ng Upper House sa ilang media company dahil sa hindi paglabas ng ba­lita tungkol sa kanya matapos siyang interbyuhin sa Senado.

Inakala kasi ng senador na ito na sigurado nang lalabas sa mga TV at dyaryo subalit kinabukasan ay nadismaya ito nang malamang walang lumabas na isang istorya tungkol sa kanya.

Nagmaktol pa umano ang mambabatas na ito sa kanyang media team at tinanong ang mga ito bakit walang istoryang lumalabas sa kanya sa tuwing kinakapanayam siya ng media.

Sa sobrang sama ng loob nito, tinawagan diumano ng mambabatas na ito ang ilang bossing ng isang TV network at kinuwestiyon kung bakit hindi man lang nasama sa istorya ga­yong siya naman ang nagpu-push ng isang panukala tungkol sa death penalty.

Resulta nito, napilitan ang boss ng isang TV network na utusan ang kanyang reporter na interbyuhin na lang lagi ang butihing senador at isama ang kanyang mga reaksiyon sa mga gagawin nitong mga istorya. Sino siya?

Clue: Bagito ang mambabatas na ito na may letrang O sa kanyang apelyido.