Abante Tonite Interactive

Senador palabigasan ng laos na aktor

872

Sino daw itong laos na aktor ang mistulang naging “ghost employee” ng isang miyembro ng ­Senado?

Base sa ibinatong info sa TONITE, nagtatrabaho na daw ngayon sa tanggapan ng senador ang isang laos na aktor.

Subalit ang ipinagtataka ng marami, bihira lang daw itong makita sa Senado, daig pa ang ilang multo na pagala-gala sa lumang gusali ng Government Service Insurance System (GSIS).

Hindi nga raw malaman ng iba kung ano ang naging expertise ng laos na aktor kung bakit kinuha ito ng senador, gayung mas marami namang karapat-dapat na magtrabaho sa gobyerno.

Ang classic nito, ginagamit pa ng kumag ang pa­ngalan ng senador para makapagbenta ng kanyang produkto sa mga kaibigan at customer.

Aba’y kasuwerte naman ni kolokoy, biruin n’yo ba namang sumusuweldo na sa gobyerno, nagagawa pang mag-sideline ng trabaho.

Clue: Ang laos na aktor na ginawang palabigasan ang senador ay kilalang palabiro. May letrang A sa kanyang pangalan as in Ali, habang ang senador naman ay may letrang A din sa kanyang pangalan as in Ako.