Abante Tonite Interactive

Senador patutunayang hawak ng China ang PH power grid

855

Hawak na ni Senadora Risa Hontiveros ang mga dokumento na nagpapatunay na kontrolado na ng China ang power grid ng bansa.

Sa isang privelege speech, sinabi ni Hontiveros na pinasisinungalingan ng mga dokumento na nakarating sa kanyang tanggapan ang pahayag ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na ang State Grid Corporation of China (SGCC), na may 40% stake sa grid ng bansa, ay isang technical adviser lamang.

“Mawalang galang, ngunit ito ay pinabubulaanan ng mga dokumentong nakarating sa aking tanggapan,” ani Hontiveros.

Aniya, patutunayan ng mga hawak niyang dokumento na sina Chinese nationa­l Wen Bo ay hinirang na NGCP chief technical officer, habang isang Liu Zhaoquiang, ang itinalagang assistant chief technical officer for operations and maintenance.

“Correct me if I am wrong, but if your designation is ope­ration and maintenance, you work in the nuts and bolts of the enterprise. Ang malala pa, the current chairperson of the NGCP is Zhu Guangchao of the State Grid Corporation of China,” wika ng senadora, tinutukoy ang isang news report.
Ngayong nasa kamay na ng mga Chinese ang powe­r grid, sinabi ni Hontiveros na hindi na nakapagtataka na regular na ipinadadala ang mga Filipino engineer sa China para lumahok sa trainin­g programs na hino-host ng State Grid Corporation of China.

Ibinunyag din ng senadora na may 43 kontrata ang igi­nawad ng NGCP sa mga Chinese firm.