Abante Tonite Interactive

Senador pinitik ng kasamahan sa Senado

By
0 344

May usap-usapan sa paligid ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na nagdededmahan daw ang dalawang miyembro nito dahil sa isyu ng credit grabbing.

At ang pinakahuling insidente, kinan­tyawan na ni Mr. Senator 1 si Mr. Senator 2 sa twitter dahil sa umano’y pang-aagaw ng kredito sa naisabatas na panukala na para sa kapakanan ng kabataan.

Pero pasimple ang naging banat ni Mr. Senator 1 dahil ang ginawa nito ay iniretweet lamang niya ang batikos ng isang netizen kay Mr. Senator 2 kung saan siya naka-tag.

Abante Hiring – IT dep

Sa naturang tweet, tinanong ng netizen si Mr. Senator 1, kung bakit inaagaw ni Mr. Senator 2 ang kredito sa batas gayung alam naman ng lahat na siya ang nagsulong nito ilang taon na ang nakalilipas.

Bagama’t emoticon na smiley lamang ang isinagot ni Mr. Senator, ipinarating naman nito ang kanyang pagkadismaya sa pareretweet ng post ng netizen na umani ng mga komento.

Clue: Ang ating mga bida ay mula sa magkabilang bloc sa Senado kung saan si Mr. Senator 1 ay panalong-panalo habang si Mr. Senator 2 ay may apelyidong kilala ng lahat simula pa noong dekada 80.