Abante Tonite Interactive

Senador sumawsaw sa mahalay na video ni Mocha

0 1,030

tonite-imo-vinia-vivar
Number one si Mocha Uson kahapon sa trending topic sa Twitter­ dahil sa nag-viral­ niyang video about Federalism na katakot-takot na reaksyon ang natanggap including our senators.

“Mahalay” at “bastos” ang karaniwang reaksyon ng mga tao sa naturang video dahil sa pagsasayaw ng blogger na si Drew Olivar habang kinakanta niya ang ‘ipepe, idede, ipepederalismo!’

Sa nasabing choreography­ ay itinuturo­ pa ni Drew ang kanyang private­ parts.

Of course, hindi talaga ito magugustuhan ng taumbayan at pati nga ang ilang senador ay nagpahayag din ng pagkadismaya kabilang na sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Tito Sotto, Sen. Nancy Binay, Sen. Riza Hontiveros and Sen. Chiz Escudero among others.

Sa gitna ng mainit na kontrobersya ay nagpaliwanag na si Mocha sa kanyang blog tungkol sa nasabing video.
In a video she posted last Sunday, sinabi ni Mocha na matagal na raw kinunan ang nasabing video na binabatikos ngayon.

“Ito po ay paglilinaw patungkol sa viral video kung saan, sinasayaw ni Drew Olivar na isang blogger ang kanyang dance choreography patungkol sa Pedera­lismo.

“Nangyari po ito sa aming online game show na matagal na po naming ginagawa ni Drew sa aming­ blog. Bago pa po ako pormal na kausapin ng representate ng ConCom at ng Communications group ng DILG patungkol sa Federalism ay nai-shoot na namin itong video na ito at matagal na naming ginagawa ang online game show na ito.

“Pangalawa, wala pong inilabas na pera dito sa video na ito o sa online game show na ito. Walang pera, walang budget, hindi po binayaran si Drew.

“Pangatlo, hindi po ako ang spokesperson ng Fe­deralism. Hindi po ako ang Ambassadress ng Federalism. Isa lamang po ako sa mga tutulong para isulong ang kampanya ng Federalism sa social media. ‘Yun lamang po, sa­lamat po,” ang kabubuuan ng pahayag ni Mocha sa kanyang blog regarding the controversial video.

Well, sa totoo lang, dahil sa sobrang lumaki na ang isyung ito na pati ang mga senador ay nakisawsaw, parang gusto na naming magduda kung strategy lang ba ito ng gobyerno para umingay ang Federalism.
***

Gabby Kapuso pa rin

Obvious ang saya ni Gabby Concepcion kahapon sa kanyang mga Instagram posts habang pumipirma siya ng bagong kontrata sa GMA network.

Unang post ni Gabby ay quote card na nagsasaad ng “Sometimes when you least expect it, good things happen” at nilagyan niya ng hashtag na “blessings,”­ “gmatv,” “gma7” at “happy.”­

Pangalawang post niya ay larawan niya with GMA-bosses habang nagaganap ang contract signing­ at sa caption, ani­ya, “Signing with GMA. It’s going to be another HAPPY YEAR!!! Thankyou kapuso!”

Sunod na post ng aktor ay larawan habang ini-interview siya ng GMA news reporters. Sa caption ay ipinahayag niya na naging mabuti raw sa kanya ang GMA-7 at wala raw siyang mairereklamo.

“It’s going to be an exciting time. More exciting TV shows to come! GMA has been good to me. “I have nothing to complain about and everything to be thankful for”. My Boss’ are GREAT! Super nice and very warm,” caption ni Gabo.
Nag-post din siya ng photo niya together with the lady bosses of GMA-7 and his manager, Popoy Caritativo.
Huling napanood si Gabby sa GMA drama series na ‘Ika-6 na Utos’ na natapos nitong nakaraang Marso.