Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senador tinatakot mga lalayas na staff

0 103

Kahit na pinipitik ng media, walang pakialam ang isang lady solon dahil hindi raw siya apektado.

Kaya kapag may staff na gusto nang bumitiw sa kanya, binabantaan niya ang mga itong kakasuhan sa oras magsumbong sa media tungkol sa kanyang pag-aalipusta sa kanila.

Pagyayabang pa ng mambabatas, hawak daw niya ang karamihan ng mga bossing kaya kahit na magsumbong ay hindi raw kakagatin ang kanilang mga sumbong.

SM food to go Banner Ad

Bukod diyan, panakot din ng mambabatas na ito na hindi pipirmahan ang resignation letter ng mga ito hangga’t hindi nila pinapangakong hindi sila magsusumbong sa media tungkol sa ginagawa niyang pagmamaldita sa mga staff. Sino siya?

Clue: Mula sa kilalang angkan ng politiko sa Luzon ang mambabatas na may letrang A sa kanyang apelyido as in astang Hitler.

Leave A Reply

Your email address will not be published.