Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senador todo-gastos sa renobasyon ng opis

0 68

Sino raw itong miyembro ng Upper House ang tumodo ng gastos sa renobasyon ng kanyang opisina na kanyang kinuha mula sa dating kasamahan sa kapulungan?

Napaka-elegante pa man din ng opisina ng da­ting senador dahil ginastusan niya nang todo-todo ang interior design nito, kung saan sa flooring pa lamang ay manghihinayang kang umapak dahil sa imported ito.

Kahit ang ibang senador, puring-puri sa interior design ng opisina ng dating senador.
Pero itong senador na umukopa sa opisina ng dating kasamahan, tila hindi feel ang kagandahan ng opisina nang ipabaklas niya lahat ng mga ito.

Kahit ang mamahaling flooring ay hindi pinatawad nang pinabakbak ito kaya lumitaw na ang semento sa sahig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gusto raw kasi gumastos nang todo sa renobasyon ng kanyang opisina. Palibhasa kasi ay hindi niya pera ito kaya ganun na lamang siya magwaldas sa pera ng taumbayan.

Ang classic pa nito, hindi pala ang senador ang may ideya ng lahat na ito kundi ang kanyang kumander in chief, as in si misis.

Mukhang gusto yatang kumubra ng komisyon ng mag-asawa sa renobasyon ng opisina kaya nilakihan ang gastos sa pagpapagawa nito.

Pintahan niyo na. Ang senador ay kilalang astig pero tiklop naman sa kanyang misis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.