Abante Tonite Interactive

Senales, Tablan makikipagsabayan

0 124

Anim na bansa ang magkakaldagan para sa ginto pagsiklab ng kurash competition sa 2019 Southeast Asian Games ngayong ala-una ng hapon sa Laus Group Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Inaasahang lalaban ng sabayan ang mga beteranong Filipino fighters na sina Rick Jayson Senales at collegiate standout Joshua Tablan para makuha ang korona sa men’s -90 kgs at +90 kgs category, ayon sa pagkakasunod.

Sasandalan ng 33-year old Senales ang kanyang experience nang masilo nito ang fifth place sa dalawang world championships nakaraang taon habang si Tablan ay humablot ng gold medal para sa Ateneo nakaraang taon season 81 ng University Athletic Association of the Philippines.

Ibabangga naman ng Indonesia ang inexperienced fighter nila na si Alfair Muhamad sa -90 kgs.

Ang ibang miyembro ng national team ay sina John Baylon (-81 kgs) at Lloyd Dennis Catipon (-73 kgs) sa men’s division. (Elech Dawa)