Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senate report: Duque, Morales, 6 pa dawit sa PhilHealth scam

0 122

Inirekomenda ng Senate Committee of the Whole ang paghahain ng kasong kriminal at administratibo laban kay Health Secretary Francisco Duque III, nagbitiw na Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) chief Ricardo Morales, at iba pang mga opisyal kaugnay ng diumano’y maling paggamit ng pondo ng ahensiya.

Sa sponsorship speech ni Senate President Vicente Sotto III, inirekomenda ng komite ang pagsasampa ng malversation at graft and corruption charges laban kay Duque, Morales, nagbitiw na PhilHealth executive vice president and COO Arnel de Jesus, PhilHealth senior vice president (SVP) for fund management sector Renato Limsiaco, PhilHealth SVP for health financial policy sector Israel Francis Pargas, at iba pang sangkot sa iligal na pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Ang IRM ay ang emergency cash advance measure ng PhilHealth para bigyan ang mga ospital ng crisis fund bilang pagtugon sa sakuna, kalamidad at iba pang inaasahang pangyayari.

Bukod sa kasong kriminal, inirekomenda rin ng komite sa Department of Justice at sa Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong administratibo laban kina Morales at PhilHealth SVP for management service sector Dennis Mas dahil sa hindi pagpapatupad ng board resolution hinggil sa courtesy resignation.

Sa pagdinig sa Senado, pinuna ng mga senador si Morales dahil sa pag-promote sa apat na opisyal na nahaharap sa kasong graft dahil sa kanilang papel sa WellMEd ghost dialysis scam na nadiskubre noong 2019.

Inirekomenda rin ng komite ang paghahain ng kasong administratibo laban kina Morales at De Jesus kaugnay ng diumano’y paglabag sa panuntunan na ipinataw ng Commission on Audit sa period of liquidation sa pag-isyu ng Memorandum Circular 2020-032.

Ang naturang memo, na may petsang Hulyo 15 2020, ang mga PhilHealth regional office ay binigyan ng opsyon sa isyo ng pag-liquidate sa IRM.

“In other words, there were no concrete guidelines in the matter of liquidation of the IRM,” sabi ni Sotto.

Nais din ng komite na sampahan ng kasong administratibo ang nagbitiw na PhilHealth SVP for legal sector Rodolfo Del Rosario at lahat ng opisyal at kawani ng Protest and Appeal Review Department ng ahensiya dahil sa “failure to act and gross neglect of duties relative to the cases pending in their department.”

Para sa PhilHealth, inirekomenda naman ng komite na i-require ang mga health care institution na nakatanggap ng IRM fund na i-liquidate ang nagamit nang pondo at ibalik ang hindi nagamit na halaga.

Agad ding pinababayaran sa PhilHealth ang claims ng ilang pribadong ospital at bigyan ng prayoridad ang mga COVID-19 referral hospital at iyong may mataas na kaso ng virus. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.