Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senate website tinarget ng mga hacker

0 60

Pansamantalang hindi makapasok sa opisyal na website ng Senado dahil sa denial-of-service (DDos) attack.

“It temporarily blocked access to the Senate website because of an ongoing distributed denial-of-service (DDoS) attack,” ayon sa Senate Electronic Data Processing-Management and Information System (EPD-MIS) bureau,

“A DDoS attack is an attempt to make an online service or website unavailable by overwhelming it with internet traffic from multiple sources,” paliwanag pa ng bureau sa mga reporter.

Sabi pa ng EPD-MIS, ang pagpasok ng traffic ay mula sa iba’t ibang bansa subalit may posibilidad na ang Internet Protocol (IP) address ay maaring fake o spoofed.

Nadiskubre ng EPD-MIS ang pag-atake bago magtanghali kahapon. Nangyari ito kasabay din ng pag-atake sa official website ni Senador Richard Gordon sa gitna ng ginagawang imbestigasyon sa COVID-19 medical supply. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.