Abante Tonite Interactive

Senatoriable burado sa lineup

455

Masayang nangampanya ang isang kandidato sa pagka-senador sa isang siyudad sa Metro Manila.

Eh paano ba naman kasi, umaapaw sa dami ng taong dumalo sa proclamation rally ng isang partido.

Walang kaalam-alam ang kandidato na wala pala ang kanyang larawan sa stage, kundi ang 12 kasama niya sa slate.

Nakarating naman sa kaalaman ng organizer ang pagkakamaling ito kaya’t pana’y ang hingi nito ng paumanhin sa kandidato.

Pero hindi nakaligtas ang staff ng organizer matapos itong sermunan sa hindi pagkakasama ng digital photo ng kandidato.

Mabuti na lang at sa digital photo lang nawala ang senatoriable dahil mas masaklap kung sa sample ballot ng partido dahil malinaw na siya ang nilaglag sa sobrang lineup.

Clue: Ang senatoriable na hindi isinama sa digital photo ng lineup ay nangangamote sa survey. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mandato.