Abante Tonite Interactive

Senatoriable dinikdik sa pekeng diploma sa US

659

Halatang may itinatago ang isang kandidato sa pagka-senador matapos na tumanggi itong sumagot kung totoong nakapagtapos ito ng pag-aaral sa isang kilalang university sa Amerika.

Imbes kasing sagutin ng direkta na nakapagtapos siya doon, aba’y nagbuhat na lamang ito ng bangko.

Akalain n’yo ba namang sabihin ng hitad na ang rekord niya sa serbisyo publiko ang magpapatunay hinggil sa kanyang natapos sa pag-aaral.

Abante Hiring – IT dep

Aba’y baka naman ang pangu­ngurakot ang pinag-aralan nito dahil sa nakaladkad sa corruption ang opisinang kanyang pinamumunuan, pasalamat siya at naging sipsip siya sa administrasyon kaya’t hindi tinuluyan.

Napaghalata tuloy na peke ang ipinagmamalaki nitong nagtapos sa kilalang university sa Amerika dahil sa walang mailabas na ebidensya si kolokay.

Clue: Ang senatoriable na nagsinungaling tungkol sa pag-graduate ng pag-aaral kuno sa US university ay mula sa malayong lalawigan sa Luzon. May letrang ‘M’ sa kanyang pangalan as in Mahadera.