Abante Tonite Interactive

Senatoriable inokray sa ampaw na interview

430

Kila­lang madaldal itong isang kandidato sa pagka-senador pero kung minsan ay wala palang laman ang kanyang mga sinasabi.

Nabisto ito nang magkomento ang senatoriable tungkol sa isyu ng dynamite fishing na siyang pinoproblema ng maraming mangingisda dahil sa pinapatay nito ang mga fingerling at corals.

Aba’y sukat-akalain ba namang nagpaliwanag ito na talamak pa rin ang dynamite fishing dahil ito ang dahilan kaya’t nagdesisyon ang gobyerno na mag-angkat ng galunggong sa China.

Natulala daw ang mga taong nakapalibot sa senatoriable. Marahil ay hindi nila ma-gets kung saan nito nakuha ang datos na talamak pa rin ang dynamite fishing at ito ang dahilan ng ­importasyon ng galunggong.

Nag-aral pa man din ito sa kilalang unibersidad pero mistulang ampaw ang rason ng kandidato, halatang nagbigay lang ng sariling opinyon kahit na walang sapat na basehan.

Na-bash tuloy ito sa social media dahil sa palpak na komento sa problema ng mangingisda.

Pintahan n’yo na: Ang senatoriable na ­inokray sa ampaw na komento ay kilalang mainitin ang ulo. May letrang C sa kanyang pangalan as in kamukha daw niya ang komedyanteng si ­Chokoleit.