Abante Tonite Interactive

Senatoriable kumain ng alikabok sa survey

948

Sino daw itong senatoriable ang nangulelat sa huling survey ng Pulse Asia kahit na babad ito sa camera upang magpalapad ng papel sa publiko?

Mukhang hindi daw tumalab sa mga botante ang ginawang­ pagpapapogi ni Sir dahil hindi ito nakapasok sa Magic 12.
Kahit na nga raw 24 senador ang ihalal tulad ng nangyari noong 1992 elections, aba’y hindi pa rin pasok si mokong dahil sa napakalayo ng kanyang ranking as in kumain siya ng alikabok.

Ang classic nito, halos araw-araw nagpapainterbyu si Sir, bukod pa sa press release na ipinakakalat nito.
Mukhang hindi epek­tib ang ginagawa ni Sir, bagkus mas bumenta pa ang mga negatibong balita sa kanya tungkol sa pagi­ging balimbing nito.

Abante Hiring – IT dep

Aba’y katakot-takot na pamaypay na nga ang ipinagawa ng senatoriable, dagdag pa dito ang sangkatutak na tarpaulin na ikinalat sa mga graduation para lang maka-epal sa mga magulang ng mga nagsipagtapos na estudyante.

Clue: Ang senatoriable na nangulelat sa survey sa kabila ng mga exposure sa telebisyon ay minsan nang natalo sa halalan. May letrang R sa kanyang pangalan as in Row 4. (Boyet Jadulco)