Abante Tonite Interactive

Senatoriable luhaan sa giyera ng showbiz personality

435

Tinadtad ng mura, pang-iinsulto at iba pang negatibong komento ang isang showbiz persona­lity sa social media.

May kaugnayan ito sa isinampa niyang kaso sa dating kasosyo sa negosyo na kesyo ninakawan daw siya ng higit sa isang milyong piso.

Bumuwelta naman itong si dating kasosyo at ibinunyag ang diumano’y mga baho ng showbiz personality.

Pero ayon sa TONITE, hindi lang ang showbiz personality ang nasasaktan sa labanang ito kundi pati na rin ang isang kandidato sa pagka-senador.

Hagip din kasi siya ng mga patama sa showbiz personality at malamang na isa ito sa maging dahilan ng pagka­talo niya sa darating na halalan.

Clue: Ang senatoriable na luhaaan sa giyera sa social media ay ayaw gamitin ang tunay niyang pangalan. May letrang B sa kanyang name as in Bang!