Abante Tonite Interactive

Senatoriable makulay ang lovelife

881

Sadya yatang makulay ang lovelife ng isang kandidato sa pagka-senador dahil kahit na sa panahon ng kampanya ay laging nakabuntot ang ligaya.

Mukhang inspired daw sa pag-iikot ang kandidato dahil sa may nagpapatibok ng kanyang puso.

Hindi naman mahaba ang kanyang hair para makadale ng magandang babae pero napaibig niya ito dahil sa kanyang personalidad at katalinuhan.

Abante Hiring – IT dep

Hindi naman kaya magselos ang ibang babaeng na-link din sa kandidatong ito?
Nasagap ng TONITE na tinuhog daw ng kandidato ang isang dalaga noong nagtatrabaho pa ito sa isang tanggapan sa Maynila.

Hindi lang malinaw kung may consent ang dalaga sa pagtikim sa kanya ng opisyal na ngayon ay tumatakbo sa pagka-senador.

Clue: Ang kandidato na may makulay na lovelife ay hindi kaguwapuhan at may letrang L sa kanyang pangalan as in Lover boy.