Abante Tonite Interactive

Senatoriable nag-aabang ng milagro sa halalan

294

Sa sobrang pagmamahal sa kanyang ipon, isang kandidato sa pagka-senador ang hindi nakapasok sa Magic 12 sa isinagawang survey ng isang respetadong kompanya.

Eh paano ba naman kasi, ayaw man lang gumastos ng kandidato para sa komersyal sa telebisyon dahil sa nanghihinayang daw ito sa laki ng ibinabayad dito.

Hindi rin ito nagpagawa ng mga campaign shirt, tarpaulin at poster para ikalat sa lahat ng sulok ng bansa.

Mukhang ngayon pa lamang, surrender na si mokong sa kahihinatnan ng kanyang laban.

Umaasa na lang siya ng mi­lagro o himala, aba’y dapat siguro itong pagsabihan ni Nora Aunor ng “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat.”

Clue: Ang senatoriable na umaasa na lamang sa himala ay mahilig din mag-selfie. May letrang E sa kanyang pangalan as in Error.