Abante Tonite Interactive

Senatoriable, nag-head bang

306
Nagulantang ang mga residente ng isang lalawigan sa ikinilos ng senatoriable na guest sa birthday concert ng isang lokal na opisyal.

 

Sa kuwento ng mga mismong dumalo sa concert, hindi raw nila alam kung matutuwa sila o mag-aalala sa sobrang katuwaan ni Ms. Senatoriable.

 

Aba, nagulat daw ang lahat dahil sa kabila ng pagiging senior citizen na ni Madam eh nakuha pa nitong mag-head bang at magtatalon sa gitna ng concert.

 

Batay pa sa salaysay ng ating Amuyong, bagong rebelasyon ito sa pagkatao ng ating bida na kilalang aristokrata.
Gayunman, ayon sa mga dumalo, sadya raw sigurong hindi napigilan ng senatoriable ang kasiyahan dahil sadyang dumog ang tao sa event.

 

Nagkaroon pa nga raw ng komosyon sa lugar na naagapan naman ng mga security official.

 

Ang ating bida ay isa nang proud lola at may letrang M sa kanyang pangalan as in Madam na Madam.