Abante Tonite Interactive

Senatoriable naging pastor

488

Sa paghahangad na makakuha ng mara­ming boto, pinatulan na rin ng isang kandidato sa pagka-senador ang imbitasyon para maging speaker ng isang missio­nary church.

Imbes na maglitanya kasi ng mga nagawa niya, aba’y nagmistulang pastor ang kandidato.

Halos kopyahin daw ng kandidato ang ginagawa ng mga kilalang religious leader sa bansa sa kanyang talumpati sa harap ng mga deboto.

Aba’y kulang na lang daw na magsuot ito ng pu­ting bestida para maging tunay na pastor sa nasabing simbahan.

Kila­lang mai­ngay daw ang kandidato at pala-sermon sa kanyang mga staff kaya’t hindi nahirapan sa pagharap sa mga deboto ng simbahan.

Clue: Ang senato­riabl­e na naging pastor sa simbahan ay kilalang mayaman at may letrang L sa kanyang, apelyido as in Last Supper.