Abante Tonite Interactive

Senatoriable namamangka sa dalawang ilog

476
 

Nabulabog ang mga katropa ng isang kandidato sa pagka-senador matapos mabisto ang umano’y pamamangka nito sa dalawang ilog.

Nakumpirma kasi na nakipag-usap daw ang senatoriable sa kanang-kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
At isa sa napagkayarian ay ang paglaglag ng isa sa kasamang kandidato ng senatoriable.

 

Nakarating naman sa mga katropa ng senatoriable ang impormasyong ito kaya’t ganun na lamang ang kanilang pagkadismaya sa kanilang kasamahan.

 

Clue: Ang senatoriable na nabisto sa pamamangka sa dalawang ilog ay marunong magsalita ng Bisaya. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mayaman.