Abante Tonite Interactive

Senatoriable namudmod ng kuwaderno

By
480

Hindi pa man pormal na nag-uumpisa ang kampanya para sa 2019 Senatorial Elections, walang tigil na sa paggastos ang isang ‘matulis’ na politiko na nag-aambisyon na maging senador.

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na namudmod daw ng kuwaderno sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ang politiko.
Nakalagay sa pabalat ng notebook ang maikling pangalan ng politiko na mas mahaba pa sa kanyang baba.

Ang classic nito, hindi naman botante ang mga high school student na pinagbigyan niya ng notebook.

Umaasa siguro ang kumag na matutuwa sa kanya ang mga magulang dahil nakalibre sila ng notebook, gayung mukhang mabibili lang ito ng bente pesos sa Divisoria.

Clue: Ang politiko na namudmod ng kuwaderno sa public school ay laging nakasingit sa mga mahahalagang event. May letrang B sa kanyang pangalan as in Baba.