Abante Tonite Interactive

Senatoriable nilaglag ng kapartido

822

Mukhang walang maaasahan na tulong mula sa kanyang partido itong isang kandidato sa pagka-senador matapos siyang ilaglag sa dara­ting na halalan.

Kuwento ng impormante, marami raw ang nagtatampo sa senatoriable dahil sa hindi sila hinihimas eheste hindi binubuhusan ng pondo para sa pangangampanya sa kanilang mga lugar.

Mas­yado daw kasing busy ang senatoriable sa pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa kaya’t napabayaan nito ang mga kapartidong nangangailangan ng datung.

Dahil sa wala namang ibinigay na kuwarta ang senatoriable, natural lang daw na ilag­lag na lamang nila ito at suportahan ang ibang kandidatong nag-iwan ng konting panggastos para sa halalan.

Clue: Ang senatoriable na nilaglag mismo ng kanyang kapartido ay masaya sa kanyang lovelife at may letrang P sa kanyang pa­ngalan as in Pera.