Abante Tonite Interactive

Senatoriable pumago para maging No. 1 sa probinsya

506

Nangako daw ang isang kandidato sa pagka-senador ng malaking halaga para lamang gawin siyang number one sa isang lalwigan sa Central Luzon.

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na pinulong daw ng senatoria­ble ang ilang lokal na opisyal para sa kanyang hirit.

Handa raw itong magbigay ng P20 milyong proyekto basta maging number one siya sa lalawigan.

May naniwala sa kandidato habang ang iba ay nagtaas naman ng kilay lalo pa’t pa­ngako lamang ito.

Clue: Ang senatoriable na nangako ng malaking halaga ay may letrang B sa kanyang pangalan, as in Boto. (Jojo de Guzman)