Abante Tonite Interactive

Senatoriable sinimangutan ng audience sa speech

376

Hindi pa man panahon ng kampanya, tila kinasasawaan na ng ilang kababayan ang isang senatoriable na lahat na lang daw ng aktibidad ay sinawsawan.

Iritang-iritang nagkuwento ang isang casual employee ng isang lokal na pamahalaan dahil sa pag-epal aniya ng ating bida pati sa party para sa kanilang mga empleyado.

Wala naman daw kasing kinalaman ang senatoriable lalo na ang kanyang dating posisyon sa kanilang trabaho kaya’t hindi niya maintindihan kung bakit siya pa ang guest.

Hindi rin daw kailangan ng panauhing pandangal sa kanilang party dahil ito ay simpleng kasiyahan lamang para sa kanila.

Ang malala pa aniya, nang magsalita ang senatoriable ay wala silang maintindihan dahil hindi sila interesado sa mga pinagsasabi nito.

Pero napakamanhid daw ni Mr. Senatoriable dahil kahit nakasimangot na ang kanyang audience ay sige lang ito sa daldal kahit wala namang laman ang kanyang sinasabi.

Clue: Ang ating bida ay may letrang O sa kanyang pangalan as in ang OA sa paggagala.