Abante Tonite Interactive

Senatoriable sumingit, nagbabad sa speech

By
0 230

Bwisit na bwisit daw ang ilang mga politiko at mga opisyal sa isang senatoriable na dating opisyal ng gobyerno.

Eh kasi raw, sumi­ngit na nga lang daw ang ating bida sa natu­rang event ay nagdulot pa ng matinding delay sa schedule ng kaganapan.

Ayon sa nasagap ng TONITE sa ating impormante, hindi talaga kasama si Mr. Senatoriable sa mga magsasalita sa event subalit isiningit ang sarili nito para makapagbigay ng speech.

Ang siste, singit na nga lang, napakahaba pa ng kanyang pana­nalita kaya’t naging sobra-sobra sa takdang oras ang naturang event na ginanap sa isang lalawigan sa Visayas.

Dahil sa haba ng speech ni Mr. Official, inabot ng tanghali ang kaganapan na dapat ay matatapos agad nang ilang oras lamang.

Ang epekto raw nito ay nalipasan ng gutom ang mga opisyal at iba pang bisita sa event kaya’t marami ang nabwisit sa senatoriable na ito na go nang go sa lahat ng kaganapan.

Clue: Ang ating bida ay may letrang B sa kanyang pangalan as in Bomber o photo­bomber.