Abante Tonite Interactive

Senatoriable tamang sisi sa pagtakbo

640

Mukhang nagsisisi daw sa pagtakbo itong isang kandidato sa pagka-senador dahil sa napipintong pagkatalo sa darating na halalan.

Binalak kasi ng senatoriable na tumakbong alkalde ng kanilang bayan kung saan puwede pa siyang manalo kung gagastos ng P100 milyon.

Pero dahil sa impluwensiya ng barkada, napilitan siyang tumakbo sa senatorial elections.

Sinabihan na siyang gumastos ng P200M hanggang P500M sa komersyal sa telebisyon upang sa gayon ay gumanda ang puwesto sa survey.

Pero umiral ang kakuriputan ng kandidato matapos na tipirin ang gastos sa komersyal dahil sa hindi naman daw ito nakakasiguro na mana­nalo kung gagastos ng kalahating bilyong piso.

Clue: Ang kandidato na tila nagsisisi sa pagtakbo sa pagka-senador ay mahilig ding mag-selfie. May letrang ‘O’ sa kanyang apelyido as in Olat.