Abante Tonite Interactive

Senatoriable umepal sa children’s show

312

Lumabas ang ­pagiging desperada ng isang kandidato sa pagka-senador dahil pati na ang isang children’s show ay pinatulan.

Sa naturang show, makikitang ini-interview ng bata ang kandidato sa paksang paborito ng politiko.

Ang kandidato ay kilalang galit sa panukala na ibaba sa 12-anyos ang minimum age of criminal responsibility.

Pero sa ginawang guesting sa show, nagmukha tuloy na ginagamit ng politiko ang walang muwang na bata sa kanyang kandidatura.

Ang classic nito, halos mapuno ang studio ng political color na kursunada ng senatoriable.

Kilalang mataas ang ambisyon ng sena­toriable dahil hindi lang ito nakatutok sa 2019 elections kundi pati na sa magiging successor ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Clue: Ang senatoriable na umepal sa children’s show ay hindi kagandahan. May letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit dahil kamukha daw niya ang komed­yante.