Senglot na rider dedbol sa tricycle

519

Patay ang isang lasing na motorcycle rider makaraang bumangga sa tricycle habang binabagtas ang kahabaan ng lansangan sa Barangay San Pablo, Jaen, Nueva Ecija hatinggabi ng Linggo.

Kinilala ni Police Maj. Erwin Ferry ang nasawi na si Robin Torres Advincula, 27-anyos at residente sa nasabing lugar.

Dakong alas-12:10 ng hatinggabi kasunod ni Advincula ang tricycle na minamaneho ni Jhon Henry Matias Eugenio, 22, sakay ang mga pasaherong sina Rizza Mae Mendoza, John-John Mendoza, Jackielyn Buncayao at Clarisse Buncayao.

Nahulog umano ang bullcap ni Eugenio kaya’t napilitang huminto para pulutin ito.

Sa puntong iyon ay hindi nagawang umiwas ni Advincula at sumalpok sa tricycle. Sumadsad pa ang biktima sa alambreng bakod sa lakas ng pagkakabundol.

Namatay noon din si Advincula habang suga­tan naman ang apat na pasahero ng tricycle na isinugod ng mga sumaklolo sa kanila sa Dr. Paulino Garcia, Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City. (Jojo de Guzman)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...