Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senglot nag-swimming sa dagat, tigbak

0 55

Nasawi ang isang lalaki habang nagsu-swimming sa dagat matapos na makipag-inuman muna sa mga kaibigan sa San Juan, Batangas Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rico Nolos Triviño, 34-anyos at taga-Brgy. Putingbuhangin sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng San Juan police, nagpasyang maligo sa dagat ang biktima matapos na makipag-inuman sa mga kaibigan sa dalampsigan ng nasabing barangay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit makalipas ang 30 minuto, nakita na lamang ng mga kasama na nakalutang ang biktima at bumubula ang bibig. Sinubukan pa itong iligtas subalit binawian din ng buhay.

Base umano sa kaanak ng biktima, dati na ito na-diagnoze ng pagkakaroon ng hypetension. Poosbleng inatake umano ang biktima habang naliligi at nauwi sa pagkalunod. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.