Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senglot naghamon na ipakulong, dinampot

0 81

Natupad ang hamon ng isang nagwawalang lasing na ipakulong siya matapos itong damputin ng mga pulis habang patuloy na nag-aalburuto sa Lucena City.

Himas-rehas sa kulungan ang suspek na si Reynante Senior, 30, construction worker at taga-Barangay Cotta.

Sa report ng Lucena police, maghahatinggabi ng Martes nang magwala ang suspek sa kanilang lugar at pinagbababato ang bahay ng kapitbahay na si Odlanyer Rafa.

SM food to go Banner Ad

Winasak pa ng suspek ang bakod ng bahay ng biktima habang sumisigaw ng: “Wala akong pakialam tumawag pa kayo ng pulis!”.

Dahil dito’y napilitang tumawag ng pulis ang biktima kaya dinampot ang suspek na ngayon ay nakakulong sa Lucena Ciy police station at nahaharap sa kaukulang kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.