Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senglot pinalipad kotse sa tulay

0 44

Bumangga ang kotse ng isang umano’y lasing na driver sa ginagawang tulay sa Pamplona, Camarines Sur saka bumagsak sa isang bahay.

Sa CCTV footage nitong Sabado, makikita ang pagharurot ng sasakyan, ang tila pagtalon nito sa tulay at ang pagdiretso nito sa bubong ng bahay katabi ng tulay.

Masuwerte at walang namatay sa insidente pero sugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga residente ng nawasak na bahay.

Dinala naman sa ospital ang hinihinalang lasing na driver, na sinabing nawalan siya ng kontrol sa kotse.

Related Posts

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang hawak na nila ang driver na hindi na muna pinangalanan.

Banggit ni Police Senior Master Sergeant Edgar Pamplona, sa isang ulat, “Kahit matapos ang kons­truksyon, i-observe pa rin ang defensive driving para makaiwas sa aksidente.”

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang driver. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.