Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senglot, tigok pagtulog

0 55

TULUYAN nang hindi nagising ang isang construction worker matapos itong natulog na lasing sa Carmona, Cavite Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Willymar Sta Ana, 39, stay-in sa kanilang barracks.

Sa ulat ni PSSgt Charles Virtudez, ng Carmona Police Station, bago natagpuang bangkay nitong Martes, nakainuman pa ng biktima noong Lunes ng gabi ang iba pa niyang katrabaho sa kanilang barracks sa Lot 1, South Horizon Park, Cabilang Baybay.

Matapos ang kanilang inuman ay nagkanya-kanyang tulog na ang mga ito subalit paggising ng mga trabahador kinaumagahan ay namataan nila dakong alas-8:00 ng umaga na hindi na nagising ang biktima.

Ayon kay Virtudez, naniniwala ang pamilya ng biktima na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito kaya tumanggi nang isailalim pa ang katawan nito sa autopsy. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.