Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senglot tumabi sa misis ng iba, inatado

0 345

Pinagtataga hanggang sa mapatay ng isang mister ang lalaking lasing na tumabi sa kanyang misis habang natutulog sa Gen. Nakar, Quezon noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Jayson Gucilatar, 34-anyos, laborer, residente ng Brgy. Canaway.

Batay sa report ng General Nakar Police, alas-11:00 ng gabi, magkatabi sa higaan sa kanilang bahay ang suspek na si Marcos Buendicho at ang misis nito nang pumasok ang biktima at humiga sa tabi ng babae.

Laking gulat ng mister nang magising at makitang may ibang katabing lalaki ang kanyang asawa kaya kumuha agad ito ng itak at pinagtataga ang biktima na nagtamo ng sugat sa ulo at balikat.

Mabilis na umalis ang suspek at iniwan ang naliligo sa dugong biktima na hindi na nakaalis at nakahandusay sa loob ng bahay.

Itinakbo pa sa Claro M. Recto Hospital sa bayan ng Infanta ang nag-aagaw buhay na biktima subalit nasawi na ito bago pa man mairating sa pagamutan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na sinampahan na rin ng kasong homicide. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.