Abante Tonite Interactive

Senglot video ni Taylor Swift pinagpiyestahan

0 333

Nalasing si Taylor Swift noong Sabado nang gabi kasama ang mga kaibigan.

Ang video ng singer na sumasayaw habang nagli-lip sync ng kanyang kanta sa isang bar ay naging viral.

Ang “Drunk Taylor” video ay nagsimulang mag-trending sa Twitter pagkatapos i-post ng mga bisitang mang-aawit na naki-party sa kanya.

Marami ring kuwento sa Instagram na nai-post ni RuPaul’s Drag Race alum A’keria Davenport. Naisapubliko niya ang pribadong paraan ng pagdiriwang ni Swift sa nakuhang 10 nominasyon sa MTV Video Music Awards na nasaksihan ng kanyang mga tagahanga.

Bigay na bigay si Swift habang nili-lip sync ang kanyang “You Need To Calm Down” na kanta. Halos ikabaliw niya ang sobrang katuwaan ng kanyang mga bisitang kaibigan.

Sobrang naaliw sa kanya ang mga bisita niya sa bigay na bigay niyang pag-awit na sinabayan pa ng paseksi niyang pag-indak na may kasamang head bang at paggusot sa kanyang buhok na mas lalong ikinatuwa ng lahat.

Dumalo at nakisaya sa kanya ang mga kapwa mang-aawit at kaibigang artista tulad nina Laverne Cox, Hannah Hart, HAIM, Hayley Kiyoko, Justin Mikita, at Chester Lockhart.

Maging ang mga Twitter users ay nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa kumalat na video.

“Drunk Taylor is me after one Absolut + La Croix cocktail jamming to her music videos in my living room,” tweet ni @TVandCrumpets.

“Drunk Taylor is me going in my parents room to tell them I threw up at 3am,” sinulat ni@AneeDunne.

“Drunk Taylor may be the most relatable Taylor,” sabi naman ni @sara_mahoney.

“Drunk Taylor Swift is one of the best things I’ve ever seen thank u very much,” say naman ni @Brecatlyn. (Lourdes Fabian)