Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior buwis-buhay sa 2 katrabaho

0 237

Sinakripisyo ng isang lalaki ang kanyang buhay upang sagipin sa pagkalunod ang dalawa niyang katrabaho.

Ayon sa ulat, natagpuang patay noong Lunes sa Sipalay City, Negros Occidental si Romie Morales, 60, mula sa Bulacan.

Nawala si Morales noong Linggo ng hapon, Hulyo 25, matapos i-rescue ang mag-asawang Mary Jane at Louie Asuncion sa pagkakalunod sa beach.

Saad ng Sipalay Emergency Assistance and Rescue Services, nagtatrabaho ang tatlo sa nabanggit na lugar at nagkayayaang mag-swimming sa hometown ng isa pa nilang katrabaho sa Sipalay City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit habang naliligo sa dagat si Morales at mag-asawang Asuncion ay binulabog sila ng malakas na hangin at malala­king alon.

Unang sinagip ni Morales si Mary Jane at saka bumalik sa dagat para naman i-rescue si Louie ngunit tinangay siya ng malakas na agos.

Natagpuan na lamang ng mga residente ang bangkay ni Morales sa baybayin ng Brgy. Cartagena kamakalawa.

Samantala, stable na ang lagay ng mag-asawang Asuncion sa ospital. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.