Abante Tonite Interactive

Senior citizen, 7 beses binaril ng bisita

312

Todas ang 69-anyos na lolo matapos pagbabarilin habang nanonood ng television sa kanilang sala sa Brgy. Centro 10, Tuguegarao City noong Lunes nang gabi.

Kinilala ni Tuguegarao City Police Station (TCPS) officer P/LT. Isabelita Gano, ang biktimang si Peter Suyu, ng Valenzuela St, Brgy. Centro 10.
Sa inisyal na report, ayon kay Gano, nangyari ang pamamaril alas-8:00 nang gabi.

Ayon kay Gano, nanonood umano ng TV ang biktima nang biglang pumasok ang tatlong lalaki at walang sabi-sabi itong pinagbabaril.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) mula sa pinangyarihan ng insidente ang pitong bala ng .45 pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng isang motorsiklo sa hindi pa malamang direksyon.

Sinabi ni Gano na hindi pa alam ang motibo sa krimen ngunit tinitingnan nila ang anggulong paghihiganti dahil sa pagkakasangkot ng anak ng biktima sa pananaksak. (Allan Bergonia)