Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior citizen dedo sa sunog

0 110

Binawian ng buhay ang isang senior citizen makaraang ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Davao City, umaga ng Sabado.

Sa report, ayon na rin kay Fire Officer 3 Aries Pizarras, ng Davao City Bureau of Fire Protection, ika-9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng biktimang si Rodolfo Nalzaro, 79-anyos, sa Purok 4, Rizal Extension.

Patuloy pang inaalam ang pinagmulan ng sunog kung saan apat na bahay din ang nadamay.

Idineklarang fire out ang insidente pasado alas-9:00 na ng umaga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.