Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior citizen nabaril, 2 korporal dinakma

0 276

Sapol ng bala ang isang senior citizen nang magpaputok ng baril ang isang hindi pa nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo habang tinutugis ng dalawang pulis sa Batasan Hills sa Quezon City.

Ang biktimang si Rodrigo Palad Quiniñesa, 68, may-asawa, bike repairman, tubong Zamboanga Del Norte at taga-Barangay Sauyo Novaliches, QC ay nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Inaresto naman ang dalawang pulis na sina Police Corporals Rafael Santos Jr., 35, may-asawa, ng San Mateo, Rizal at Rowell Manbasa, 30, binata, ng Marikina City, kapwa nakatalaga sa Warrant Section ng Batasan Police Station 6 ng QCPD.

Nakatakas naman ang suspek sakay ng silver Toyota Hi-Lux na walang plaka na sinasabing nagpaputok ng baril sa mga nasabing pulis na humahabol sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Sa naantalang report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Lucky Luis bike shop sa Brgy. Batasan Hills, QC.

Ayon kay PCpl. Sonny Llaguno, ng PS 6, QCPD, abala ang biktima sa pagkukumpuni ng bisikleta nang biglang may sunud-sunod na putok ng baril kasabay ng pagbulagta ng matanda.

Lumitaw na nagpapaputok ng baril ang di nakilalang salarin habang hinahabol ng 2 pulis, kaya dinampot na rin ang dalawa. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.