Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior citizen nag-overtake, sinalpok ng trak

0 277

TODAS ang isang senior citizen nang mag-overtake at salpukin ng kasalubong na truck sa national highway sa Barangay Manzano, Narvacan, Ilocos Sur noong Sabado.

Kinilala ni Navacan Municipal Police Station (NMPS) officer-in-charge P/Maj. Daniel Burgos, ang biktima na si Delfin Montero, 71, ng nasabing bayan.

Sa report, ayon kay Burgos, bago ang insidente, nagmamaneho si Montero gamit ang motorsiklo nang mag-overtake umano siya sa kasunod na sasakyan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng pulisya na hindi umano napansin ng biktima ang kasalubong na Elf truck na minamaneho ni Jojo Leste, 41, ng Basrangay Quinarayan, Narvacan.

Dito, sinuwag ng biktima ang truck, na ayon kay Lester huli na nang magpreno ito. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.