Abante Tonite Interactive

Senior citizen niyari ng boylet

275

Sinampahan ng kasong murder ang isang 32-anyos nang pagsasaksakin nito ang kinakasamang senior citizen bunga ng matinding selos sa Regina Residencia, Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Sa report ni Police Lt. Col. Amado Mendoza Jr., Marilao police chief, nakilala ang biktimang si Marissa Cuman, 60, na wala ng buhay nang madatnan sa loob ng kanyang tinitirhan bunga ng mga saksak sa dibdib.

Tumakas naman ang kinakasama nitong si Lorenzo Soriano, 32, na target ngayon ng PNP at nakumpirmang dati nang nakulong dahil sa pamamaril sa kanyang kapitbahay.

Nabatid na Sabado nang huling makitang buhay ang biktima matapos itong sunduin ng ka-live in na suspek sa bahay ng kanyang anak sa Meycauayan City para umuwi na sa kanilang tirahan sa Brgy. Loma de Gato, Marilao.

Lumilitaw na walong taon nang magka-live in ang biktima at suspek. (Jun Borlongan)