Abante Tonite Interactive

Senior citizen pumatay sa Linggo ng Pagkabuhay

313

Nasadlak sa selda ang isang senior citizen makaraang saksakin nito hanggang sa mapatay ang kanyang kainuman sa Valenzuela City kamakalawa nang gabi.

Nahaharap sa kasong homicide si Manuel Magbantay, 60, taga- T. Santiago St., Brgy. Canumay West, Valenzuela.

Dead on-the-spot naman si Gerry Ubur, 45, kalugar ng suspek sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Abante Hiring – IT dep

Sa salaysay ng testigo na si Edwin Bantoy, 42, nag-iinuman sila kasama ang biktima at suspek sa nasabing lugar bilang selebrasyon sa ‘Linggo ng Pagkabuhay’ nang magkaroon ng diskusyon sina Magbantay at Ubur.

Nagawa namang paghiwalayin ng upuan ng mga kaibigan ang dalawa at tinuloy ang inuman.

Subalit walang ano-ano’y tumayo si Magbantay, binunot ang dalawang patalim at biglang sinugod ng saksak si Ubur.

Kaagad namang dinala ng mga kaanak sa ospital ang biktima pero sa daan pa lang ay nalagutan na ito ng hininga.

Makalipas naman ang isang oras ay nadakip ang suspek ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1. (Orlan Linde)