Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior, dalaga timbog sa droga

0 99

Dinakma ng mga tauhan ng Laguna police ang isang senior citizen at isang 26- anyos na dalaga sa anti-illegal drugs operation sa Mabitac Laguna, Martes ng hapon.

Kinilala ng Mabitac police ang naarestong sina Ruben Junio, 61, isang electrician at ang dalagang online seller nito na si Catherine Antinero, kapwa residente ng Barangay Paagahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinagawa ng mga tauhan ng RDEU 4A at ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mabitac police ang buy-bust operation malapit sa tirahan ng mga suspek.

Narekober sa mga ito ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalagang P408,000.00.

Nakakulong ang dalawa sa Mabitac police station locked up cell at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.