Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior galing PH nakitaan ng bagong COVID sa Japan

0 251

Nadiskubre ang bagong coronavirus variant sa isang biyahero na galing sa Pilipinas at dumating sa Japan noong Pebrero.

Ayon sa Kyodo News report, infected ng bagong variant ng coronavirus ang lalaking nasa edad 60s, na unang kumpirmadong kaso batay sa health ministry nitong Biyernes.

Ang variant umanong nakita sa lalaki ay naiiba sa mga nadiskubre sa Britain, South Africa at Brazil, dagdag sa ulat.

Sabi ng Ministry of Health, Labor and Welfare, asymptomatic ang lalaki at lumapag sa Narita airport noong Pebrero 25.

Nagpositibo siya sa virus matapos mag-quarantine sa airport. Ito rin umano ang unang beses na na-detect ang nasabing variant sa Japan. Ayon sa National Institute of Infectious Diseases, mas nakahahawa umano ito kumpara sa orihinal na virus at kapantay ng banta ng iba pang variant.

Kasunod nito, pinahihigpitan na ang pagbabantay sa kanilang mga border. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.