Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior high buwis-buhay sa biker

0 247

Binawian na ng buhay kahapon ang 13-anyos na dalagita matapos na tamaan ng ‘stray bullet’ sa leeg sa Novaliches Quezon City kamakailan.

Ang biktima ay si Jana Eunice Bernas, grade 11 student, at taga-Barangay Gulod, Novaliches.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-2:55 ng madaling araw kahapon nang bawian ng buhay si Bernas sa East Avenue Medical Center sa QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg George Caculba ng CIDU, Pebrero 20, alas-5:40 ng hapon nang barilin ng suspek si Jun Florendo Alano, sa No. 15 Sta Placida Street, Ninang Avenue, Barangay Gulod.

SM food to go Banner Ad

Sakay umano ng bisikleta si Alano nang lapitan ng suspek at malapitang pinaputukan ng baril sa leeg.
Nagkataon namang naglalaro si Bernas sa lugar na duguan at bigla ring bumagsak kaya agad na isinugod sa nasabing ospital pero kahapon ay binawian na ng buhay.

Si Alano naman na target ng pamamaril ay nakalabas na sa Quezon City General Hospital.

Masusi pang nag-iimbestiga ang pulisya sa motibo ng pamamaril habang tinutugis ang di-kilalang suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.