Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior high na-depress, nagbigti

0 96

SA murang edad, pagpapakamatay na ang naisip na solusyon ng isang 16-anyos na binatilyo na sinasabing inatake ng depresyon nang matagpuang nakabigti sa Imus City, Cavite, Sabado ng umaga.

Sa ulat ni PSSgt Roy Vincent Reyes ng Imus City Police Station, dakong alas-5:30 kamakalawa ng umaga nang natagpuan ang Grade 10 Senior student na biktima ng kanyang Lolo na nakatali ang leeg gamit ang nylon cord sa kanilang bahay.

Ayon kay Reyes, depresyon ang tinitignang anggulo kung bakit nagpakamatay ang binatilyo bagama’t tumanggi ang pamilya nito na pag-usapan ang tunay na dahilan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.