Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior high student dakma sa shabu

0 172

ARESTADO ang isang senior high school na lalaki matapos mahulihan ng 11 sachet ng pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation ng pinagsanib na Philippine Drug Enforcement Agency-Ilocos Norte (PDEA-IN) at Sarrat Police Station (SPS) sa Barangay 4, Sarrat, Ilocos Norte noong Linggo.

Kinilala ng SPS ang suspek na si Rene John Almonte, 23, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, nakatanggap umano ng report ang PDEA-IN hinggil sa pagtutulak ng suspek.

Mabilis na nakipag-ugnayan ang PDEA-IN sa SPS at isinagawa ang anti-illegal drug bust laban kay Almonte.

SM food to go Banner Ad

Agad na pinosasan ang suspek habang aktong inaabot ang shabu sa dalawang undercover agent.

Nakuha mula sa suspek ang 11 na sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa pulisya, may una nang record sa pulis ang suspek hinggil sa pagtutulak ng iligal na droga. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.