Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior high student nagbaril sa sentido

0 167

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido ang isang binatilyo sa loob ng kanyang silid sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Ang 17-anyos na isang senior high student ay huli umanong nakitang buhay bandang alas-3:00 ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ika-7:45 ng gabi (April 29) nang matagpuan ang biktima na naliligo na sa sariling dugo sa loob ng kanyang silid.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Alvin Quisumbing, sa ama ng biktima, nakita na lamang umano niya ang anak na duguan nang nakahandusay sa silid habang hawak ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpapatiwakal.

Agad umanong isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang tinedyer subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Hindi naman masabi ng ama ng binatilyo ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak at kung saan nakakuha ng baril na ginamit nito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.