Abante Tonite Interactive

Senior Inspector Joey Doguiles Edukasyon, Trabaho Sa Mga Preso

242

Nagbago ang buhay ni San ­Mateo Municipal Jail (SMMJ) warden Senior Inspector Joey Doguiles­ nang makapasok siya bilang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong 2008.

Sa panayam sa kanya nina ‘Walang Atrasan’ host Armi Rico at Wil Postolero, naging estud­yante siya ng Electronic Communications Engineering taong 1999 sa University of Southeastern­ Philippines.

Nagkataon na may entrance exam sa gusali nila ang Philippine National Police Academy (PNA), kaya sumubok siyang mag-exam at nakapasa.

Pinapili sila matapos ng graduation kung saan nila gustong maglingkod –
sa Bureau of Fire Protection (BFP) o sa BJMP. Pinili niya na maging parte ng BJMP dahil mas marami aniyang kailangan na tulungan na mga bilanggo.
Naitalaga siya bilang warden ng SMMJ Male Dorm noong Hulyo 1, 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Mula noon, marami na siyang nagawang mga tagumpay at kontribusyon para sa maayos na pagpapatakbo sa kulungan sa edad niyang 37-anyos.