Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior pinagtripan, todas sa bugbog

0 158

Nagawa pang makauwi ng bahay ang isang 60-anyos na soltero na sinasabing kinuyog sa may riles ng tren malapit sa Maria Guizon St. sa Tondo, Maynila, Miyerkoles ng gabi.

Nasawi habang inoobserbahan sa Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital ang biktimang si Edmundo Santos, residente ng Tawilis Bilaran, Kaunlaran Village, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa riles ng tren, base sa kuha ng CCTV.

Alas-7:30 ng gabi, nang umuwi ang biktima sa bahay ng kapatid na si Rowena Tolentino, at napansin na namamaga ang mukha ng biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaagad na isinugod si Santos sa Martinez Hospital pero kalaunan ay inilipat sa Diosdado Macapagal Hospital.

Ngunit pagsapit ng alas-9:30 ng gabi, kamakalawa, ay binawian na ng buhay ang matandang biktima.

Nabatid na dakong ala-1:20 ng madaling-araw, kahapon, nang ireklamo ni Tolentino sa MPD-Police Station 7 ang nangyari sa kapatid.

Habang patuloy naman ang manhunt operation laban sa apat na hindi pa pinangalanang suspek na kumuyog umano sa soltero. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.