Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Senior sapol sa leeg ng basag na salamin

0 57

NAPURUHAN sa leeg ng isang basag na salamin ang isang senior citizen habang bali ang hita ng isang ginang matapos banggain ng isang L300 van ang sinasakyan nilang tricycle sa Dasmarinas City, Cavite Sabado ng hapon.

Kapwa ginagamot sa UMC Hospital sina Francisco Salubre, 60 at Marivic Moralina, 51, kapwa taga-Dasmarinas City, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng Mitsubishi L300 na may plakang UUF 384 na si Jose Galut, 37.

Sa ulat ni PSSgt Donato Almenario ng Dasmarinas City Police Station, alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente kung saan kapwa nakasakay sa isang tricycle ang mga biktima habang binabagtas ang kahabaan ng Mangubat Road. Pagsapit sa intersection sa Aguinaldo Highway ay nakasalpukan nila ang sasakyan ni Galut.

Tinamaan ng mga basag na salamin sa leeg si Salubre habang nabali naman ang hita ni Moralina. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.